Napili ng mananaliksik ang paksa tungkol sa Independent Media Center dahil sa pangangailangan ng pagbabago sa Marinduque. Sa darating na Pebrero 2020 ay ipagdiriwang ang sentenaryo ng pagsasarili at paggiging autonomous mula sa iba pang mga probinsya ng Tayabas, Mindoro at Batangas. Ngunit nanatili pa ring 4th class na lalawigan ang Marinduque, kung kaya kinakailangan ng akmang tugon sa mga usaping pangkaunlaran upang makapagsimula ng pagbabago. Mahalagang magkaroon ng batayan ang pagbabago batay sa larawan ng kaunlaran mula sa mismong tinig ng Marindukanon at hindi sa ibang usapin ng kaunlaran hango sa ibang lugar.